Our Mission. Our Vision

OUR MISSION is to protect and promote human rights and access to justice of LGBTs. To raise awareness and sensitize Philippine society about LGBT issues and concerns. To address health issues and concerns of LGBTs. To initiate economic and social support projects for LGBTs, especially those marginalized. OUR SOCIETAL VISION is a society free from gender and sexuality-based oppression, prejudice, discrimination and stereotyping. OUR ORGANIZATIONAL VISION, Ladlad Partylist is an inclusive, sustainable, and responsive national LGBT organization that endeavors to consolidate, empower, strengthen and represent the LGBT community.

Wednesday, May 16, 2012

LADLAD PARTY LIST SINAGOT SI PACQUAIO

NABAHALA ngayon ang Ladlad Partylist sa isang pahayag diumano ni Sarangani representative at Filipino boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao ukol sa mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders (LGBT).

Sa isang panayam ni Pacquiao sa Amerika, inihayag ng boksingero ang kanyang pananaw sa hayagang pagpanig ni US President Barack Obama patungkol sa isyu ng same-sex marriage.
 
Sa naging reaksyon ng partidong Ladlad, pinaalalahanan si Pacquiao sa kanyang ginagampanang tungkulin sa lipunan bilang isang mambabatas. Dagdag pa ng grupo, nirerespeto nito ang malayang opinyon ng bawat mamamayan subalit dapat din umano itong laging alerto sa magiging damdamin ng ibang tao.

 Ayon pa kay Ms. Bemz D. Benedito, 1st congressional nominee ng Ladlad na ang tanging pangarap ng bawat bakla, lesbiyana, bisekswal at transgender sa Pilipinas ay mamuhay ng hindi hinuhusgahan dahil lamang sa kanilang sexual orientation at gender identity. Bagkus, dapat tingnan kung ito’y namumuhay bilang isang tao na buo ang dignidad at walang inaapakang kapwa-tao.

“Ang Biblia ay isang aklat tungkol sa pagsasaboy ng pagmamahal at pag-ibig sa sanlibutan at hindi libro na naglalaman ng pangungutya at pagkamuhi sa kapwa,” sabi ni Benedito.

Nanawagan ang Ladlad na dapat bigyan ng isang bukas isip at bukas pusong interpretasyon kung ano man ang nakasaad sa Biblia.

Idiniin ng grupo na wala sa kanilang plataporma ang same-sex marriage subalit pinag-uusapan ito at nirerespeto ng Ladlad ang sinumang gustong magpakasal dahil bahagi umano ito ng kanilang karapatang-pantao.
 
Subalit sa lahat ng mga naging pahayag ni Pacquiao ay positibo pa rin si Benedito. “We still wish him the best in his fight. Sa gitna ng kanyang oposisyon laban sa mga LGBTs, wala kaming ibang iniaalay kundi pagmamahal. Umaasa rin kami na balang araw ay maiintindihan at matatanggap niya kami sa kanyang puso” pagsasara ni Benedito.

Ang Ladlad Partylist ay maghahain ng kanilang kandidatura sa Biyernes, Mayo 18, 2012 sa Comelec sa lungsod ng Maynila.

No comments:

Post a Comment